Kaakit-akit at kawili-wiling tingnan ang kagandahan ng kalikasan. Isa na ang nasa larawan na nagpapakita ng ganda at kaayusan ng kalikasan sa ating bansa. Kalikasang dapat pangalagaan at pag-ingatan.
Dapat lamang nating pag-ingatan at pangalagaan ang kalikasan dahil ito ay nakatutulong sa ating turismo. Ang turismo ay kailangan ng isang bansa upang umunlad. Kung wala ang kalikasan, wala ring turismo sa ating bansa. Pangalagaan ang kalikasan upang lubos itong maka-akit ng turista at mkatulong sa araw araw nating pamumuhay. May mga batas at ordinansang ipinatupad ng pamahalaan para sa kalikasan. Mga batas at ordinansang karapat-dapat lamang na ating sundin.
Dapat lang na pangalagaan ang kalikasan. Kung walang kalikasan, walang mga punong magbibigay sa atin ng mga prutas na maaari nating makain, mga kahoy na maaaring gawing gamit sa bahay, at higit sa lahat walang makasisipsip ng tubig baha lalong lalo na sa syudad. Dahil sa kalikasan, mayroon tayong nalalanghap na sariwang hangin kung wala ito, hindi tayo makakahinga ng maayos. Kaya't ngayon, ano pa kayang mga mabubuting bagay ang nararapat nating gawin para sa INANG KALIKASAN?